Inaasahang ipapadala ang 117,000 doses ng COVID-19 vaccines sa ilalim ng COVAX facility kapag nilagdaan na ng Pilipinas at Pfizer-BioNTech ang indeminifaction agreement.
Ayon kay World Health Organization Representative to the Philippines Dr. Rabindra Abeyasinghe, nakapagsumite na ang Pilipinas ng proposed indemnification agreement sa COVAX Facility habang magpapasa pa lamang ang Pfizer ng kanilang counter-proposal.
Kapag nalagdaan ang indemnification deal, ang delivery ay mangyayari sa loob ng dalawang linggo.
Nasa dalawang milyong karagdagang doses ng Pfizer-BioNTech vaccines ang ipapadala sa bansa kapag naselyuhan nag kasunduan.
Ang ibang batch ng Pfizer vaccines ay darating sa Marso o Abril.
Facebook Comments