Nakabalik na sa Pilipinas ang unang batch ng mga Pilipino mula sa Sri Lanka na apektado ng economic crisis doon.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), 13 repatriates na binubuo ng anim na babae, dalawang lalake, at limang menor de edad ang kasama sa unang batch ng repatriates.
Bahagi ang grupo ng 114 Pilipino na nagpahayag ng kanilang pagnanais na makabalik ng Pilipinas sa harap ng nagpapatuloy na krisis sa ekonomiya sa Sri Lanka.
Patuloy rin na mino-monitor ng DFA Office of the Undersecretary for Migrant Workers Affairs, gayun din ng Philippine Embassy sa Bangladesh na may hurisdiksyon sa Sri Lanka at Philippine Honorary Consulate General sa Colombo ang sitwasyon at kalagayan ng mga Pilipino sa Sri Lanka.
On-going din ang pamamahagi ng tulong pinansiyal para sa mga Pinoy sa Sri Lanka.