Nakalipad na patungong South Korea ang 39 na Pilipinong seasonal farm workers.
Ang naturang mga Pinoy ay mula sa mga bayan ng Apalit, Lubao, at Magalang sa Pampanga.
Sila ang unang batch ng Pinoy seasonal farm workers na napaalis ng Department of Migrant Workers (DMW) sa ilalim ng “Interim Pipeline Processing” procedure.
Sa ilalim naturang proseso, nakapaloob ang mga probisyon at garantiya para sa karapatan at kapakanan ng mga manggagawang na-hire sa pamamagitan ng Seasonal Work Program.
Ipinaaalaala ng DMW sa seasonal farm workers na nagnanais sumailalim sa SWP na wala silang babayarang recruitment fee.
Facebook Comments