Dumating na sa bansa ang unang batch ng Filipino repatriates na nakaligtas sa malakas na lindol sa Turkey.
Sila ay sakay ng Qatar Airlines Flight 932 na dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.
Ilan sa mga dumating ay mga bata at magulang na Pinay na nakapag-asawa ng Turkish.
Anila, may mga trauma pa sila dahil patuloy ang nagaganap doon na aftershocks.
Nababahala naman sila sa kanilang mga naiwang asawang Turkish.
Sa susunod na linggo, inaasahan ang 45 pang mga Filipino o ang ikalawang batch ng mga Pinoy na uuwi sa bansa matapos makaligtas sa lindol.
Sasagutin din ng pamahalaan ang kanilang airfare at ang OWWA members ay bibigyan ng tig-P10,000.
Facebook Comments