Unang batch ng polymer banknotes, darating sa Abril 2022

Nakatakdang dumating sa bansa sa Abril ng 2022 ang unang batch ng polymer banknotes o pera na gawang-plastik.

Ayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno, ang unang batch ng mas matibay na pera ay gagawin ng Reserve Bank of Australia at ang subsidiary nito na Note Printing Australia.

Pinayagan ng central bank ang Australia na gumawa ng 500 milyong piraso ng ₱1,000 polymer bills na tatagal mula 2022 hanggang 2025.


Ang polymer banknotes ay sinasabing may lifespan na 2.5 hanggang 4 na beses na mas mahaba kaysa sa mga gawang papel na pera.

Facebook Comments