Dumating na sa bansa ang unang batch ng rapid antigen kits na binili ng gobyerno para paigtingin ang COVID-19 testing sa bansa.
Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire, tanging ang mga positibong resulta ng rapid antigen kit na sumunod sa gabay na itinakda ng ahensya ang isasama sa tala ng COVID-19 cases.
Aniya, gagamitin ang antigen kits sa mga suspected o probable cases, at close contacts ng COVID-19 patient mula sa National Capital Region (NCR) Plus areas.
Nilinaw naman ni Vergeire na hindi nila isasama sa tala ng DOH ang antigen tests mula sa mga pribadong kompanya.
Facebook Comments