Nahirapang makalabas ang unang grupo ng mga Pilipinong inilikas sa Iraq.
Ayon kay Special Envoy to Middle East, DENR Secretary Roy Cimatu – nanghihingi sa kanila ng $10,000 o ₱500,000 ang mga amo bago sila payagang makabalik ng Pilipinas.
Ipinahiwatig ni Cimatu na ang perang hinihingi ng mga Iraqi employer sa mga OFW ay reimbursement sa ibiniyad nila sa mga recruiter nang kunin ang serbisyo ng mga Pinoy.
Dahil mayroon aniyang deployment ban ang Pilipinas sa pagpapadala ng mga OFW sa Iraq, ang mga employer umano ang nagbayad sa mga recruiter para makagawa ng paraan na makakuha ng mga manggagawang Pilipino.
Nasa 13 Filipinos mula sa Iraq ang nakauwi ng bansa noong nakaraang Linggo matapos na itaas sa alert level 4 ang sitwasyon doon bunga ng hidwaan ng US at Iran.
Samantala, sinabi naman ni Foreign Affairs Undersecretary Sarah Lou Arriola na darating sa bansa bukas, Enero 23 ang ikalawang grupo ng mga OFW mula sa Iraq.