PRRD, pinayuhan ang mga PMA alumni na labanan ang mga arogante at abusado

259

Pinayuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang alumni ng Philippine Military Academy (PMA) na bantayan ang kanilang mga ranggo at labanan ang mga arogante at abusado.


Sa kanyang talumpati sa Annual General Membership Meeting ng PMA Alumni Association kagabi – sinabi ng Pangulo na maipagmamalaki ang pagiging isang PMA graduate.

Pero hindi dapat ito abusuhin dahil madudungis lang ang reputasyon ng akademiya at ng mga kadete.

Sinabi rin ng Pangulo na dapat alamin ng mga alumni officers ang lugar at aktibidad ng mga miyembro nito na may impact sa public service at public welfare.

Sa kabila nito, pinuri ng Pangulo ang PMA graduates sa pagpapakita ng disiplina, katapatan at kagalingan.

Tiwala rin ang Pangulo na gumagawa ng hakbang ang PMA para maresolba ang mga problema sa loob ng akademiya.

Facebook Comments