Dumating na sa bansa ang unang batch ng COVID-19 vaccines na gawa ng Chinese pharmaceutical firm na Sinovac.
Eksakto alas 4:10 ng hapon nang lumapag sa Villamor Airbase sa Pasay City ang eroplano ng China karga ang mga bakuna.
Agad na dadalhin ang mga bakuna sa mga COVID-19 referral hospital sa Metro Manila para sa vaccine rollout bukas.
Kabilang sina Heath Secretary Francisco Duque III at vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. sa mga opisyal ng gobyerno na unang magpapabakuna gamit ang Sinovac vaccine.
Samantala, bukas darating na rin sa bansa ang 525,600 doses Astrazenca vaccine.
Ayon kay Galvez, ang pagdating ng Sinovac at Astrazeneca vaccines ay ang opisyal na pagsisimula ng national vaccination program.
Facebook Comments