Unang batch ng SSS pension sa buwan ng Nobyembre, ipinamahagi na sa pensioners

Ipinamahagi na ng Social Security System (SSS) ang unang batch ng pensyon sa buwan ng Nobyembre para sa kanilang mga pensyonado.

Ayon kay SSS President and CEO Aurora C. Ignacio, matatanggap ng mga pensyonado ang kanilang pensyon sa pamamagitan ng Philippine Electronic Fund Transfer System and Operations Network (PESONet) at iba pang checkless disbursement channels.

Aniya, mas pinaaga nila ang pamamahagi ng pensyon bilang paghahanda sa Undas kung saan kasama sa unang batch ang mga pensyonado na may contingency dates mula ika-1 hanggang ika-15 araw ng nabanggit buwan.


Sakop ng unang batch ng pensyon para sa Nobyembre 2020 ang mahigit 1.46 milyon na mga pensyonado na nagkakahalaga ng mahigit P6.22 bilyon alinsunod sa SSS Circular no. 2020-024 na ipinatupad simula Oktubre 2020.

Maaaring makuha ng mga pensyonado ang kanilang pensiyon sa pamamagitan ng PESONet participating banks, e-wallets tulad ng PayMaya, o sa mga Development Bank of the Philippines (DBP) accredited Remittance Transfer Company (RTC)/Cash Payout Outlet (CPO) tulad ng M Lhuiller.

Facebook Comments