Unang batch ng stranded student interns sa Israel, ligtas nang naiuwi sa Pilipinas ayon sa CHED

Photo Courtesy: Popoy De Vera | Facebook

Ligtas nang naiuwi sa bansa ang unang batch ng mga estudyante na sumasailalim sa student internship sa 30 State Universities and Colleges sa Israel.

Ayon sa pakikipagtulungan ng Commission on Higher Education (CHED), October 14, 2020 nang sunduin ang 260 na mga student intern matapos makumpleto ang kanilang 11-months na international internship sa Granot Agrostudies Program sa Israel.

Ito’y sa pakikipagtulungan ng Department of Foreign Affairs (DFA) at ng Department of Transportation (DOTr).


Sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic, iniutos ni President Rodrigo Duterte sa naturang mga ahensya na pabilisin ang proseso ng pagbabalik sa Pilipinas ng mga estudyante upang makapiling ang kanilang mga pamilya.

Mananatili muna sa University Pad sa Manila ang mga naturang estudyante upang sumalang sa mandatory quarantine habang inaantay ang resulta ng kanilang Reverse Transcription-Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) swab testing result.

Maliban sa mga estudyante ng Pampanga Agricultural State University at Tarlac Agricultural University na susunduin sa Clark City ng kanilang opisyal ng provincial government at ididiretso naman sila sa swab testing sa mga quarantine facility.

Ang nalalabing 312 student interns ay nakatakda namang iuwi pabalik ng bansa sa October 21, 2020.

Facebook Comments