Unang draft ng IRR ng Anti-Terrorism Law, hawak na ng DOJ

39

Kinumpirma ni Justice Secretary Menardo Guevarra na hawak na niya ang unang draft ng IRR o Implementing Rules and Regulations ng Anti-Terrorism Law.


Ayon kay Secretary Guevarra, magsasagawa sila ng editing sa nasabing draft kung kinakailangan.

Kapag na-edit na aniya nila ang unang draft, kanila naman itong isusumite sa Anti-Terrorism Council para mapag-aralan.

Umaasa naman si Guevarra na magiging plantsado na ito para sa promulgation bago ang deadline sa susunod na buwan.

Samantala, sa Korte Suprema patuloy naman na nireresolba kung matutuloy ang oral arguments sa mahigit tatlumpung mga petisyon kontra Anti-Terrorism Law.

Facebook Comments