Mga pangalan ng mga sundalo na nasawi sa chopper crash sa Basilan, isinapubliko na

248

Inilabas na ng Philippine Air Force ang pagkakakilanlan ng apat na sundalo na nasawi sa pagbagsak ng isa nilang helicopter sa Lantawan, Basilan kahapon.


Ayon kay Air Force Spokesperson Lieutenant Colonel Aristides Galang, kabilang sa mga nasawi sa pagbagsak ng Sikorsky aircraft ay sina Major Jessie Miller, ang pilot-in-command, 1st Lieutenant Mack-ar Ferrer, ang co-pilot at ang dalawang aircrew na sina Staff Sergeant Miguel Bañas Jr. at Airman 2nd Class Benedicto Leal Jr.

Nagpaabot naman ng pakikiramay si Air Force chief Lieutenant General Allen Paredes sa mga naulilang pamilya ng mga nasawing sundalo at tiniyak na magbibigay ng tulong sa mga ito.

Samantala, babiyahe naman patungong Zamboanga City ang binuong investigating team ng Air Force para alamin ang totoong dahilan ng pagbagsak ng helicopter.

Sa ngayon, grounded muna ang dalawang Sikorsky helicopter na sasailalim sa maintenance inspection bilang bahagi ng standard procedure matapos ang insidente.

Facebook Comments