Unang gobernador ng Davao de Oro na si Atty. Jose Cabellero, pumanaw na

Pumanaw na noong Biyernes sa edad na 73 ang unang nahalal na gobernador ng Davao de Oro na si Attorney Jose Cabellero o mas kilala din bilang si Joecab.

Kinumpira ito ng kanyang anak na si Kristine Caballero sa pamamagitan ng isang post.

Wala pang inilalabas na ibang detalye ang pamilya nito hinggil sa ikinamatay ng dating gobernador.


Kasalukuyang nakahimlay ang kanyang mga labi sa Cosmopolitan Memorial Chapels sa Davao City.

Taong 1998 nang maging gobernador ng Davao de Oro si Caballero kung saan nanilbihan siya ng tatlong termino hanggang 2007.

Facebook Comments