Dagsa ng mga pasahero sa mga pantalan para sa Semana Santa, ramdam na!

Ramdam na sa mga pantalan ang pagdami ng mga pasahero ngayong Semana Santa.

Ayon kay Philippine Ports Authority (PPA) General Manager Jay Santiago, mahigit 6,500 na outbound passengers ang naitala sa Batangas Port kahapon, April 1.

Nag-abiso naman ang PPA sa publiko na posibleng makaranas ng mahabang paghihintay sa pagbili ng ticket sa Batangas Port dahil sa suspensyon ng advance booking at online ticketing.


Samantala, naka-heightened alert na rin ang mga tauhan ng Manila North Harbor Port kasunod ng pagdami ng mga pasahero.

Sabi ni Santiago, inaasahan nila ang pagdagsa ng mga pasaherong uuwi sa kani-kanilang mga probinsya ngayong Semana Santa hanggang bukas, April 3.

Facebook Comments