Unang gold medal ng Pilipinas sa Asian Athletics Championships, nasungkit ng runner na si Eric Cray

Sports – Nakuha ng pambato ng PILIPINAS na si Eric Cray ang kauna-unahang gold medal sa 22nd Asian Athletics Championships sa Buhbaneswar, India.

Tinapos ng 28-year-old na si Cray ang 400 meter hurdles sa 49.57 seconds.

Pumangalawa sa kaniya si Chen Chieh ng Chinese Taipei na may 49.75 seconds at pangatlo si Jabir Mp ng India na may 50.22 seconds.


Nakakuha naman ng silver medal ang pinoy na si Mark Harry Diones sa triple jump habang may bronze medal sa pole vault si Ernest Obiena.

Ang tatlong atleta ay kasama sa roster ng bansa para sa kanilang events sa papalapit na Sea Games sa Kuala Lumpur, Malaysia sa buwan ng Agosto.

Facebook Comments