Unang human death case ng bird flu, naitala sa India

Naitala sa India ang kauna-unahang nasawi dahil sa epekto ng H5N1 strain o bird flu.

Ito ay isang 11-taong gulang na lalaki ang nasawi matapos ang komplikasyon.

Ayon sa New Delhi’s Premier All India Institute of Medical Sciences, multi-organ failure kasabay ng bird flu ang sanhi ng pagkamatay ng biktima.


Naglunsad naman ng contract tracing ang ospital para mahanap ang huling nakasalamuha ng lalaki habang nakahiwalay o nasa isolation ang pamilya ng biktima.

Sa ngayon, mayroon nang anim na kaso ng bird flu ang naitala sa India sa nakalipas na dalawang dekada kung saan walang human cases ang naiulat sa kanilang bansa.

Facebook Comments