Cauayan City, Isabela – Muling nagpaalala ang Cauayan City Police Station sa publiko laban sa insidente ng pandurukot at iba pang kaso ng panloloko ngayong BER months.
Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan City kay P/Capt Esem Galiza, tagapagsalita ng PNP Cauayan City, maituturing na kauna unahang insidente ng budol budol ang nanyaring hypnotized sa isang ginang na nakabili ng mamahaling kagamitan sa kompanyang Arysta Marketing dito sa lungsod.
Una rito, kamakailan lang ay nagtungo sa palegke ang ayaw magpabanggit na ginang para mamasyal ngunit, sa hindi maipaliwanang na dahilan ay nahikayat siya ng mga empleyado na bumuli ng upuan na nagkakahalaga ng 40 libong piso ngunit nagtaka ito ng magbayad gamit ang kanyang credit card na umabot na sa mahigit isandaang libong piso (100,00.00)
Ayon sa PNP Cauayan City, mahigpit ang kanilang monitoring sa mga ganitong uri ng kumpanya para maiwasan ang mga kahalintulad na pangyayari.
Tiniyak pa ng kapulisan na mas lalo pa nilang hihigpitan ang pagbantay sa mga matataong lugar para mas mapadali ang kanilang pagresponde sa pagkalat ng mga kawatan.
Dagdag pang paalala ni Capt. Galiza, huwag magsuot ng mga mamahaling alahas o anumang bagay na maaaring maging target ng mga kawatan.
Sa huli ay nagkasundo naman ang kumpanya na isauli ang kabuuang pera ng biktima. Tags: 98.5 ifm cauayan, ifm cauayan, cauayan city, isabela, PNP cauayan, budol budol, victim, public market, P/Capt Esem Galiza, Arysta Marketing