Barangay Chairman, nahulihan ng illegal na armas sa Pangasinan

Inaresto ang isang Barangay Chairman sa Umingan Pangasinan makaraang mahulihan ng hindi lisensyadong baril.
Ikinasa ang operasyon sa pamamagitan ng isinilbing search warrant sa bahay nito.
Kasama sa mga nakuha ang 1 caliber 38 revolver na naglalaman ng limang bala at walo pang bala nito.
Dadaan umano sa ballistics/ cross matching examination ang mga nakuha sa barangay chairman.
Kakasuhan ng paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Law on Firearms and Ammunitions.
Parte umano ito ng kampanya ng pambansang pulisya laban sa loose firearms na masawata ang krimen sa probinsiya.
###

Facebook Comments