Unang kaso ng COVID-19, Naitala sa Mountain Province

Cauayan City, Isabela- Nakapagtala ng kauna-unahang kumpirmadong kaso ng corona virus ang Bayan ng Besao sa Lalawigan ng Mountain Province ngayong araw.

Batay sa tala ng DOH- Cordillera Administrative Region, isang 19-anyos na lalaki ang tinamaan ng virus na patuloy na inoobserbahan ngayon sa pagamutan.

Isa ang binata sa nagkaroon ng ‘close contact’ sa isang pasyente mula sa ibang lugar na bumisita lamang sa Bayan ng Besao noong Hunyo 6.


Kaugnay nito, nakasailalim na sa isolation facilities ang 22 katao na may direct contact sa nagpositibong pasyente.

Samantala, hinihikayat naman ni Governor Bonifacio Lacwasan Jr. ang publiko na manatiling kalmado sa kabila ng mayroon ng positibong kaso ng COVID-19.

Sa kabuuan, nakapagtala ang buong Cordillera ng 52 kumpirmadong kaso ng COVID-19.

Facebook Comments