Unang kaso ng COVID-19 sa Olongapo City, kinumpirma ng alkalde

Kinumpirma mismo ni Olongapo City Mayor Rolen Paulino Jr. ang unang kaso ng COVID-19 sa Lungsod ng Olongapo.

Base sa ulat ng Olongapo COVID-19 task force, ang pasyenteng nagpositibo ay isang 75 anyos na lalaki na kabilang sa Person Under Investigation (PUI) list na may history of travel sa Maynila na nakaramdam ng pananakit ng lalamunan at pneumonia.Ang pasyente ay nasa mabuti umanong kalagayan at naka confine sa allied care expert hospital sa Subic Bay Freeport Zone.

Ayon kay Dr. Doods Bustamante ang City Health Officer ng Olongapo City, kasalukuyan na ang contact tracing sa mga nakasalamuha ng naturang pasyente.


Facebook Comments