Unang kaso ng COVID-19 sa Solomon Islands, naitala!

Nakapagtala na ng unang kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa bansang Solomon Islands.

Ayon kay Prime Minister Manasseh Sogavare, ang unang kaso ng naturang sakit ay isang estudyanteng na-repatriate mula sa Pilipinas.

Aniya, ang nasabing pasyente ay asymptomatic at negatibo sa COVID-19 sa Manila bago siya bumiyahe.


Dagdag pa ni Sogavare, nagsagawa na rin sila ng COVID-19 test sa mga nakasalamuha ng estudyante at negatibo naman ang mga resulta.

Kalahating taon ding COVID-19-free ang Solomon Islands na matatagpuan sa Timog Pasipiko.

Facebook Comments