Unang kaso ng Lambda variant sa bansa, local case ayon ng DOH

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na local case ang na-detect na unang kaso ng Lambda variant sa bansa.

Sa interview ng RMN Manila kay Health Spokesperson Maria Rosario Vergeire, nagsasagawa na sila ng validation at genome sequencing sa Western Visayas kung saan na-detect ang unang kaso ng Lambda variant.

Layon aniya nitong malaman kung may iba pang kaso sa lugar.


Kasabay nito, sinabi ni Vergeire na bagama’t highly transmissible tulad ng Delta variant, itinuturing pa lang na variant of interest ang Lambda ng World Health Organization.

Kahit apektado ng Lambda ang efficacy ng COVID-19 vaccine, sinabi ni Vergeire na makakatulong pa rin kung bakunado ang publiko.

Sa ngayon ay nasa 26 na bansa na sa buong mundo ang apektado ng Lambda na nagmula sa Peru.

Facebook Comments