Cauayan City, Isabela- Binawian ng buhay ang isang ginang na nagpositibo sa COVID-19 mula sa Barangay Pallua Sur, Tuguegarao City, Cagayan.
Ang pasyente ay isang 50-taong gulang na babae.
Ayon kay City Information Officer Lenie Umoso, lumabas sa pagsusuri ng doktor na dahilan ng kanyang pagkamatay ang tuloy-tuloy na pananakit nito ng tiyan na tumagal ng 10-araw.
Una rito, nagpasuri ang ginang sa isang klinika at nabatid na may iba pa itong sakit gaya nalang ng diagnosis ng doktor na SEPSIS o blood poison.
Bilang bahagi ng polisiya ng Department of Health, agad na inilibing ang nasawing pasyente.
Ito na ang kauna-unahang kaso ng pagkamatay dahil sa COVID sa Lungsod ng Tuguegarao.
Facebook Comments