Unang linggo ng pagpapatupad ng Alert Level 2 sa sektor ng negosyo sa NCR, naging maayos at maganda- DTI

Naging maganda ang feedback hinggil sa unang linggo ng pagpapatupad ng Alert Level 2 sa Metro Manila.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Trade Sec. Ramon Lopez na nasa 50% hanggang 80% na ng crowd ang bumalik sa mga public place at mga pasyalan nitong weekend.

Bunga nito, patuloy rin ang pagsigla ng ating ekonomiya.


Ani Lopez, umaasa siyang masu-sustain ang pagganda ng datos hindi lamang dito sa Metro Manila kundi maging sa ibang mga lugar sa bansa upang lalo pang magbukas ang ekonomiya at mas marami pa ang makapaghanapbuhay.

Sa panig ng mga establisyemento, ang mga ito naman aniya ay mahigpit na sumusunod sa health & safety protocols.

May mga kainya-kaniya naman aniyang safety and health protocol officers ang mga establisyemento upang matiyak na nasusunod ang minimum public health standards tulad ng pagsusuot ng face mask, face shield at social distancing.

Facebook Comments