Unang openly-gay minister sa Israel, itinalaga

Courtesy: The Times Israel

Pinangalanan na ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu ang papalit sa sinibak na justice minister.

Itinalaga bilang acting justice minister si Amir Ohana, 43, isang Netanyahu loyalist at kaalyado nito sa Likud party.

Ipinakilala ng prime minister si Ohara bilang dating abogado at tiyak na pamilyar umano sa justice system.


“Amir Ohana is a jurist who knows the legal system well,” pahayag mula sa opisina ni Netanyahu.

Si Ohana ay masugid na taga-suporta ni Netanyahu at sumang-ayon sa isang kontrobersyal na panukala na magkakaloob sa nakaupong prime minister ng immunity sa prosekusyon.

Kasalukuyang nahaharap sa imbestigasyon kaugnay ng bribery at fraud ang prime minister, na mariin nitong itinanggi.

Isang gay rights activist si Ohana, na sumusuporta sa same-sex marriage na sa ngayon ay hindi pa kinikilala sa Israel liban kung sa ibang bansa isinagawa.

Nakaraang taon lang nang mahalal din ang unang gay mayor sa bansa.

Facebook Comments