Unang outlet ng Kadiwa ng Pangulo sa Bicol Region, kumita agad ng ₱1.2 milyon ayon sa Malacañang

Kumita agad ng nasa ₱1.2 milyon ang bagong outlet ng Kadiwa ng Pangulo na inilagay sa Pili, Camarines Sur sa Bicol Region.

Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil, sa unang araw ang Kadiwa ng Pangulo sa Camarines Sur ay umabot sa mahigit ₱400,000 ang kita habang sa pangalawang araw nito umabot mahigit ₱780,000.

Samantala, sa Cebu City naman mayroong mahigit ₱900,000 na kita ang Kadiwa ng Pangulo outlet.


Sinabi ni Garafil na sa kasalukuyan ay mayroon nang mahigit 500 Kadiwa ng Pangulo outlets sa buong bansa at inaasahang madadagdagan pa ito kaya asahan ang mas maraming seller at consumers ang makikinabang.

Ang pagpaparami ng outlet ng Kadiwa Center sa buong bansa ay dahil sa layunin ng pamahalaan na matulungan ang mga magsasasaka, mangingisda at mga maliliit na negosyante na kumita nang malaki dahil mula farm ay direkta na sa mga seller ang mga produkto at hindi na dumadaan sa middlemen na nagiging dahilan ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

Facebook Comments