Militar, nakapag-neutralisa ng higit 40 miyembro ng teroristang grupo

Kasunod ng tuloy-tuloy na operasyon ng militar kontra teroristang grupo.

Napatay ng mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang tatlong miyembro ng Communist NPA Terrorist (CNT) matapos nilang maka-engkwentro sa Pikit, North Cotabato, noong March 11.

Sa kapareho ring araw ay napatay rin ang dalawa pang miyembro ng NPA sa Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao del Sur kung saan narekober ang ilang mataas na kalibre ng baril.


Samantala, na-neutralisa rin ng mga sundalo ang nasa higit 20 miyembro ng CNT sa Kalinga, Oriental Mindoro, Agusan del Sur, Agusan del Norte at Sorsogon kung saan kabilang sa mga naaresto ay dalawang top level CNT at nakumpiska sa mga ito ang iba’t ibang kalibre ng baril, mga pampasabog at iligal na droga.

Samantala, sa Basilan at Sulu ay pitong ASG members ang nasakote ng mga sundalo habang sa panig ng BIFF ay tatlong liders at apat na miyembro nito ang naaresto mula sa Datu Piang, Maguindanao del Sur.

Facebook Comments