Unang RoRe mission ngayong 2024, naging matagumpay

PHOTO: Philippine Coast Guard

Naging matagumpay ang unang Rotation and Resupply (RoRe) Mission para sa taong 2024.

Ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP), ito’y kahit pa muling binuntutan ng China Coast Guard (CCG) ang mga barko ng Philippine Coast Guard (PCG) na nagsagawa ng RoRe mission sa West Philippine Sea (WPS) mula January 3 hanggang January 9, 2024.

Nabatid na ligtas na nakadaong sa port of Buliluyan sa Bataraza Palawan ang Barko ng Republika ng Pilipinas (BRP) Cabra at BRP Sindangan.


Muling iginiit ng AFP na hindi nila papabayaan ang mga sundalo na nakaposte sa BRP Sierra Madre at iba pang teritoryo ng bansa na pilit inaangkin ng China.

Buo anya ang suporta ng sambayanang Pilipino sa magigiting nating mga sundalo.

Facebook Comments