Mga Pilipinong estudyante sa Thailand, hinihimok na ring magpatala sa Philippine Embassy

 

Hinimok na rin ng Philippine Embassy sa Bangkok ang mga estudyanteng Pilipino sa Thailand na magpa-register sa Embahada.

Layon nito na mapabilis ang pagpapakalat ng Embahada ng mahahalagang impormasyon at pagbibigay ng serbisyo sa Filipino community roon.

Maging ang mga Pinoy na faith-based sa Thailand, gayundin ang professionals at school alumni organizations ay hinihimok din ng magpatala sa Philippine Embassy.


Ang ganitong sistema ay ipinatutupad na rin sa iba’t ibang embahada ng Pilipinas sa ibayong dagat.

Facebook Comments