Inihayag ng Quezon City Government na tinapos na nila kagabi ang unang round ng “Bakuna Nights” sa lungsod.
Ayon sa QC Government, pinaalalahanan nila ang mga residente na bumalik para sa ikalawang dose ng bakuna upang makumpleto ang immunization laban sa COVID-19.
Paliwanag ng QC-Local Government Unit, hindi na kailangang magpa-book para sa ikalawang dose ng bakuna sa halip bumalik sa vaccination site na pinagturukan ng unang dose at sundin ang petsa na nakalagay sa vaccination card.
Hanggang Hunyo 18, umabot na sa 540,850 ang nabakunahan na sa Quezon City.
Pumalo naman sa 414,850 o 24.4% ng target na 1.7 million ang nabigyan na ng first dose, habang 26,000 o 7.41 % naman ang nakatanggap ng second dose ng bakuna.
Facebook Comments