Unang shipment ng bigas na aangkatin ng NFA, darating na sa bansa ngayon buwan ng Agosto

Manila, Philippines – Inaasahang darating sa bansa ngayong buwan ng Agosto ang unang shipment ng kabuuang 250 libong metriko tonelada ng aangkating bigas ng National Food Authority .

Ayon kay NFA Spokesperson Director Marieta Ablaza abot sa kabuuang 120 metriko tonelada ng imported rice ang unang darating sa bansa at sa buwan ng sityembre naman darating ang ikalawang shipment na aabot sa 130 metriko tonelada.

Ang NFA ay nag laan ng 5.6 bilyong piso para sa pag angkat ng imported rice.


Una ng binigyan cng notice of award ng National Food Authority ang anim na kumpanyang nanalo sa bidding para sa rice importation ,apat dito ay mula sa Vietnam, isa sa Singapore at isa sa Thailand.

Facebook Comments