California – Naidepensa ni Jerwin “Pretty Boy” Ancajas ang kanyang International Boxing Federation (IBF) Super Flyweight Title matapos talunin ang kapwa-pinoy boxer na si Jonas Sultan sa Fresno, California.
Unanimous ang naging desisyon ng tatlong judge pabor kay Ancajas.
Sa unang round pa lang ng laban, hindi na pinaporma ni Ancajas si Sultan na nagpakawala ng malalakas na right hook.
Nagpasalamat naman si Ancajas sa Panginoon at pareho silang ligtas ni Sultan matapos ang laban.
Facebook Comments