Unanimous desisyon ng laban ni Pacquiao at Horn, kinondena ng isang boxing analyst

Sports – Kinondena ni ESPN boxing analyst Teddy Atlas ang ‘unanimous decision’ na panalo ni Australian Boxer Jeff Horn kay pambansang kamao Manny Pacquiao sa kanilang laban nitong linggo.

Ayon kay Atlas – maituturing itong pinakamalaking korapsyon sa kasaysayan ng boksing.

Naniniwala si Atlas, imposibleng matalo si Pacquiao dahil sa mga pinaulanang suntok nito kay Horn.


Dagdag pa ng analyst, minanipula ni top rank promoter Bob Arum ang pagluto kay Pacquiao.

Nabatid na maraming boxing fans ang nagulat at nadismaya sa naging resulta ng laban.

Facebook Comments