Komedyanteng si Empoy, excited na sa nalalapit na showing ng kanyang pelikula kasama si Alessandra De Rossi

Showbiz – Excited na ang komedyanteng si Empoy Marquez sa nalalapit na pagpapalabas ng kanyang pelikulang *‘Kita Kita’* kung saan katambal niya ang aktres na si Alessandra De Rossi.
Ayon kay Empoy – kinunan pa ang pelikula sa Sapporo, Japan
Iikot aniya ang istorya sa dalawang taong kapwa na-‘fall in love’ sa isa’t-isa kahit ang isa sa kanila ay hindi nakakakita.
Ang pelikula ay ipapalabas na sa mga sinehan sa darating na Hulyo 19 at idinirek ni Sigrid Andrea Bernardo.

Facebook Comments