“Unboxing” video ni Matteo Guidicelli sa Twitter, inulan ng pamba-bash ng mga netizen

Trending ngayon sa Twitter ang “unboxing” video ni Matteo Guidicelli na humakot ng maraming thumbs down o dislike sa mga netizens.

Nabatid na basta na lang kasi sinira ni Matteo ang box ng Playstation Pro 1TB na ikinagalit ng mga mahilig sa play station.

Sagrado raw kasi anila ang “unboxing” dahil kailangang bigyan ito ng pag-iingat at pagmamahal.


Kasabay nito, nagpaliwanag naman si Matteo at sinabing hindi talaga siya magaling sa unboxing kaya hindi naging maganda ang kaniyang nagawa.

Sa ngayon, meron nang 326.7 thousand views ang video, na may 2.5 thousand na thumbs down.

Mayroon na rin itong higit 15 thousand tweets at ika-25 na nag-trending sa Twitter.

Facebook Comments