“Unbundling” sa presyo ng langis, ipinasasama sa agenda ng Kongreso sakaling magpatawag ng special session

Ipina-re-review ni House Committee on Economic Affairs Chair. Sharon Garin ang “unbundling” ng presyo ng langis sa bansa.

Ang suhestyon ng kongresista ay bunsod na rin ng pagsirit sa presyo ng produktong petrolyo sa harap na rin ng giyera sa pagitan ng Ukraine at Russia.

Sa oras aniya na mag-convene ang Kongreso para sa special session ay ipinasasama sa tatalakayin ang unbundling sa presyo ng langis.


Layon ng gagawing review na masilip ang transparency ng mga kumpanya ng langis sa ipinapataw na presyo at malatagan ng mga hakbang upang maprotektahan ang mga consumers.

Ipinasasama rin sa agenda ng Kongreso ang review sa minimum inventory requirements provision sa ilalim ng Oil Deregulation Law.

Samantala, pangunahin naman sa agenda sakaling magpatawag ng special session ang pangulo ay ang pagpapatibay sa panukala na nagsususpindi at nagbabawas sa excise taxes ng ilang mga produktong langis at petrolyo.

Dagdag ni Garin, kailangang manghimasok na ng Kongreso sa problema ng napakataas na presyo ng langis partikular sa pagsususpindi ng excise tax.

Sakaling maaprubhan at maipatupad ito ay P6 sa kada litro ng langis at iba pang produktong petrolyo ang matitipid ng mga consumers na malaking tulong ngayong nahaharap pa rin sa pandemya ang ating mga kababayan.

Facebook Comments