VP Leni Robredo, inendorso ng gobernador ng Bulacan, Robredo mainit na tinanggap ng mga Bulakenyo

Sa nagpapatuloy na pulong balitaan sa bulacan kinumpirma ni Bulacan Gov. Daniel R. Fernando na si Vice President Leni Robredo ang nais niyang manalo bilang pangulo ng bansa.

Hinangaan ito ni Robredo dahil sa usaping pulitika ay malaki ang maitutulong nito sa kanilang kampanya.

Batid ni Robredo na mahirap para sa isang local official na mag-indorso ng isang kandidato lalo’t nakabuntot kay Robredo ang mga basher.


Ayon naman kay Bulacan Gov. Fernando nagdasal at pinag-aralan niya si VP Leni bago napili.

Kay Robredo niya aniya nakikita ang katangian ng isang magaling na pangulo base sa track record.

Base sa survey, habang tumatagal padami ng padami ang sumusoporta kay Robredo.

Ayon nga kay Robrerdo, mula 6% ngayon ay nasa 16 to 20% na ang itinaas ng mga Pilipinong naniniwala para sa kanyang kandidatura na maiingat ang buhay ng lahat kapag siya ay naihalal na pangulo ng Pilipinas.

Facebook Comments