UNCONSTITUTIONAL | Probisyon sa Comprehensive Dangerous Drugs Act na nagbabawal ng plea bargain deal, ideneklarang unconstitutional ng Korte Suprema

Manila, Philippines – Idineklarang unconstitutional ng Korte Suprema ang Section 23 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act na nagbabawal sa plea bargaining deal sa drug cases.

Ang desisyon ng Kataas-taasang Hukuman ay may kinalaman sa petisyong inihain ng akusadong si Salvador Estipona Jr. sa pamamagitan ng Public Attorney’s Office.

Si Estipona ay nahulihan ng 0.084 grams ng shabu sa Legazpi City, Albay noong March 21, 2016 at sa kabila ng pagpayag ng prosekusyon na sila ay pumasok sa plea bargain deal, hindi ito pinayagan ni Judge Frank Lobrigo ng Legazpi RTC dahil sa isinasaad ng Section 23 ng RA 9165.


Sa petisyon ni Estipona, unconstitutional ang Section 23 dahil lumalabas na pinanghimasukan ng Kongreso ang kapangyarihan ng Korte Suprema sa pagbalangkas at pag-apruba ng rules of procedure sa korte.

Naniniwala si PAO Chief Percida Acosta na malaki ang maitutulong ng desisyon ng Korte Suprema para mapaluwag ang mga kulungan sa bansa.

Facebook Comments