UNDAS 2018 | LTFRB, nakatanggap na ng higit 400 special permits para sa mga bus

Manila, Philippines – Natanggap ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang aabot sa higit 400 special permit bus applications.

Ito ay kasabay ng inaasahang pagdagsa ng mga pasahero uuwi sa mga probinsya ngayong nalalapit ang Undas.

Ayon kay LTFRB Chairperson Martin Delgra III – sakop ng special applications ang nasa 1,072 units.


Pinakarami aniyang nagpasa ng aplikasyon ay ang mga bus na papuntang Northern Luzon, kasunod ang mga bus na patunong South Luzon at Bicol.

Magiging epektibo ang special permits mula October 30 hanggang November 5.

Facebook Comments