UNDAS 2018 | Mga bus terminal sa Metro Manila, inispeksyon na ng LTO

Manila, Philippines – Sinimulan na ng Land Transportation Office (LTO) ang inspeksyon sa mga bus terminal sa Metro Manila bilang paghahanda sa Undas.

Sinuri ng mga tauhan ng LTO ang mga ilaw, preno at gulong ng mga bus para iwas disgrasya.

Ininspeksyon din kung may seat belt ang upuan ng driver at sa unahang bahagi ng bus.


Tiningnan rin ang rehistro at prangkisa ng mga bus at inalam kung may karelyebo ang driver na bibiyahe ng 12 oras.

Pinayuhan naman ng LTO ang publiko na asahan na ang araw-araw na random inspection sa mga bus terminal sa Manila, Pasay at Quezon City.

Nananatili namang normal pa ang biyahe ng mga bus sa mga terminal pero inasahan na ang pagdami ng mga pasahero sa susunod na linggo.

Facebook Comments