UNDAS 2018 | MRT at LRT naglabas ng schedule para sa Undas

460

Normal pa rin na operasyon ang ipapatupad ng MRT at LRT ngayong Undas para serbisyuhan ang mga tutungo sa mga sementeryo.

Ayon sa pamunuan ng MRT at LRT, pareho pa rin ng dati ang kanilang operasyon sa paggunita ng All Saints’ Day at All Souls’ Day.

Bukas ang LRT line 1 sa Roosevelt sa Quezon City hanggang Baclaran sa Parañaque mula 4:30 ng umaga hanggang alas-10 ng gabi sa weekdays.

Habang bukas ito ng 4:30 ng umaga hanggang alas-9:30 ng gabi kapag weekend.

Ang LRT line 2 naman ay bukas ang Santolan Station mula 4:30 ng umaga hanggang alas-10 ng gabi habang mula 4:30 hanggang alas-10:30 ng gabi bukas ang Recto Station.

Operational naman ang MRT mula alas-5:30 ng umaga hanggang alas-10:30 ng gabi ngayong Undas.

Facebook Comments