UNDAS 2018 | Sementeryo ng mga hayop sa QC, dinalaw din

26

Quezon City – Kapansin-pansin na ang mga stuffed toys, mga bulaklak at may sinding kandila sa animal memorial wall sa Quezon City.

Ayon kay Steph Sandoval, Humane Education Volunteer, Philippine Animal Rehabilitation Center, abot na sa 657 ang bilang ng mga hayop ang inaalala sa pet memorial park ng Philippine Animal Welfare Society.

Aniya, pinakamarami rito ay mga nakalibing na aso at pusa.

May limang bunny o kuneho, isang isda at isang dolphin.

Magkakasama naman sa isang nitso ang mga kalapati at mga pagong.

Magkakasama rin sa isang grupo ang mga baboy.

Para sa gustong makakuha ng memorial tile sa kanilang namatay na alagang hayop ay pagbabayarin ng mula P500 hanggang P1,000.

Facebook Comments