Nag-iikot na sa nga terminal ng bus si LTFRB Chairman Martin Delgra para inspeksyunin ang mga Public Utility Vehicles (PUV) sa para tiyakin na ligtas ang mga pasahero sa pagdagsa ng mga bibiyahe kaugnay ng Undas.
Inunang ininspeksyon ni Delgra ang Jam terminal malapit sa Timog.
Ipinaalala niya sa mga operator at driver ng mga bus na tiyakin hindi kalbo ang mga gulong at nasa maayos ang kondisyon ng bus bago bumiyahe.
Isang bus naman sa Dagupan bus ang hindi muna pinabyahe at pinapalitan ng gulong ng LTFRB.
Sinita rin niya ang pudpod na gulong ng Genesis bus na biyaheng Baguio.
Sinita rin ni Delgra ang mismong terminal dahil walang maayos na waiting area.
Kinamusta rin nito ang kalagayan ng mga pasahero.
Kaugnay nito, inaprubahan na ng LTFRB ang mga aplikasyon sa special permit ng mga provincial buses na sasalo sa pagdagsa ng mga magsisiuwian sa probinsya sa panahon ng Undas.
Mula sa 404 na applications na may 933 units na bibiyahe sa labas ng kanilang ruta, nasa 1,355 special permits ang inaprubahan ng ahensya.
Ito ay batay na rin sa unang tinarget na unit ng LTFRB.
Pinakamarami sa nabigyan ng LTFRB ng permit ay ang Region 4 na may 682. Sinusundan ito ng Central luzon na may 537.
Ang special permit ay may bisa mula October 30 hangggang November 5.