Nakapagposisyon na ang Philippine Red Cross (PRC) ng 192 first aid stations sa 188 sementeryo, memorial parks maging sa mga major highways sa bansa kasunod ng paggunita ng Undas.
Ayon kay PRC Chairman Richard Gordon handang-handa na rin ang 1,686 staff and volunteers para umasiste sa ating mga kababayan ngayong Undas.
Maliban dito naka-deploy na rin ang 149 ambulansya ng Red Cross, mayroon din silang 41 roving medical units at 126 welfare desks para tumugon sa mga concerns ng ating mga kababayan.
Kasunod nito nagbigay ng tips ang PRC sa mga magtutungo sa sementeryo.
Kabilang na dito ang pagdadala ng payong, pamaypay, bimpo o tuwalya at tubig hanggat maaari huwag nang isama yung mga bata at nakatatanda dahil asahan na ang siksikang sitwasyon sa mga sementeryo.
Noong nakalipas na Undas nakapag-asiste ang Red Cross ng halos 6 na libong indibidwal kabilang na ang 223 katao na nagtamo ng major at minor injuries.