VIRAL | Video greeting ni Cesar Montano sa isang kagawad, trending

2082

Manila, Philippines – Viral ngayon sa social media ang video greeting ng aktor na si Cesar Montano para sa kaarawan ng isang kagawad sa Maynila.

Habang nagbi-video kasi at nagsasalita si Cesar, may isang babae ang biglang sumulpot sa kaniyang likuran na tila walang suot na damit.

Gayunman, hindi pa matiyak kung wala talagang suot ang naturang babae dahil malayo ang kuha at sandali lang siyang nanatili sa video.

Bagaman inalis na ang orihinal na video post, may mga naka-screen grab ng imahe nito.

Sa ngayon ay wala pang inilalabas na pahayag si Cesar sa naturang insidente.

Facebook Comments