Manila, Philippines – Nagbabala ang Lawyer for Commuters Safety and Protection (LCSP) sa riding public na huwag tangkilikin ang mga colorum na sasakyan na biyaheng lalawigan ngayong Undas.
Hinimok ni LCSP Chairman Atty. Ariel Inton ang mga papauwi ng probinsya na sumakay lamang sa mga franchise holder bus at mga sasakyang binigyan ng special permits ng Land Transportation Franchising ang Regulatory Board (LTFRB) para matiyak ang kanilang seguridad at kaligtasan.
Huwag aniya sila magpadala sa alok ng maraming scalper na umaali aligid sa mga bus terminal na humihimok na sumakay sa ibang sasakyan na colurum tulad ng mga van.
Ngayong peak season, nakiusap din ang commuters group sa mga tsuper ng taxi at iba pang Public Utility Vehicle (PUV) na huwag naman pagsamantala sa mga pasahero.
Dapat maningil lamang ng tamang pasahe at huwag magmalabis.
Sa panig naman ng mga commuters, maaari nilang isuplong sa LTFRB ang sinumang tsuper na gagawa nito.