Manila, Philippines – Naglabas na ng abiso ang pamunuan ng Manila South Cemetery para sa undas.
Simula October 30 hanggang November 2, pansamanatala munang ititigil ang paglilibing.
Bawal na ring magpasok ng sasakyan sa loob ng sementeryo simula sa October 29 hanggang November 2.
Huling araw ng paglilinis at pagpipintura ng puntod ay itinakda naman sa October 30.
Mahigpit ding ipagbabawal ang pagdadala ng baril at matutulis na bagay na posibleng ikapahamak ng mga tao.
Bawal ding magdala ng mga alagang hayop, speaker, sound system, thinner, gas, alak, iligal na droga at mga gamit pang-sugal.
Ipinagbabawal din ang paninigarilyo, pagsusunog at pagkakalat ng basura sa loob ng sementeryo.
sa November 3, balik-normal na ulit ang Manila South Cemetery.
Facebook Comments