UNDAS | PNP nakakumpiska ng mahigit 21,000 mga items na ipinagbabawal sa sementeryo

Umaabot sa mahigit 21,000 mga bagay na ipinagbabawal sa sementeryo ang nakumpiska ng Philippine National Police (PNP) sa paggunita ng Undas.

Batay sa breakdown ng PNP National Operation Center, apat sa mga nakumpiska ay baril at may apat ring sachet ng shabu.

Pinakamarami namang nakumpiska ay mga patalim na aabot sa mahigit 16,000.


Habang mahigit tatlong libong mga bote ng alak naman ang nakumpiska rin sa mga sementeryo.

Hindi rin nawala sa mga nakumpiska ng mga pulis ang mga gambling materials na umabot sa 315 at mahigit isang daang piraso ng karaoke.

Mananatili naman nakaalerto ang mga pulis hanggang bukas, araw ng Linggo upang magbigay pa rin ng seguridad sa mga magsisi-uwian matapos ang ilang araw na bakasyon.

Matatandaang kabuuang mahigit dalawangpung libong mga pulis ang dineploy para tiyakin magiging payapa at ligtas ang paggunita ng Undas.

Facebook Comments