Puspusan na ang paghahanda ng Joint Task Force COVID Shield para sa nalalapit na Undas para maiwasan ang pagdagsa ng mga tao sa mga pampubliko at pribadong sementeryo sa gitna ng bansa ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay JTF Commander Police Lieutenant General Guillermo Eleazar, mayroon nang coordination mula sa Philippine National Police (PNP) at Department of the Interior and Local Government (DILG) para sa pagbuo ng mga patakaran para mabigyan ang mga Local Government Unit (LGU) ng panahon para makapaghanda.
Iginagalang ng JTF ang tradisyon ng mga Pilipino na bigyang pag-alala ang mga yumaong mahal sa buhay.
Pero kailangang gawin ito sa paraang hindi makokompromiso ang kalusugan ng mga tao.
Sinabi ni Eleazar na dapat magkaroon ng constant coordination ang local police commanders sa mga LGU para maiwasan ang mass gathering sa mga sementeryo.
Ipinauubaya rin ni Eleazar sa mga LGU na bumuo ng sarili nitong security at safety protocols.
Nabatid na may ilang LGU na ang nagpatupad ng pagsasara ng mga sementeryo sa November 1 (All Saints’ Day) at November 2 (All Souls’ Day).